Sumpa't Manika:
Tula:
Ayoko sa mundong ewan.
Ewan.
Ano nga ba ang ayaw ko sa mundo?
Basta ang alam ko, buwisit ang mga tao.
Tingnan mo't kumalatas ako sa balakyot.
Unti-unting pinira-piraso 'tong katawan ko.
Di na lang ako pinatay.
Pinadama pa sa'kin ang sakit.
Pait.
Kumakarit.
Tagusan ang hapdi.
Nakakatampo.
Matapos ka nilang pagkatuwaan,
Ano?
Ganito?
Naaalala ko pa,
Teka...
Wala na pala akong naaalala.
Pa'no nga ba ako nakapunta dito?
Bakit ba kita kinakausap?
Ewan.
Ang gulo ng mundo.
Ano nga ba'ng mali dito?
Bakit ba ako palaging sinasaktan?
Ano nga ba ang mali sa mga tao?
Ano ang mali sa'yo?
Sa inyo?
Ano nga ba ako?
Manika lang naman di ba?
Pero naisip mo ba na kahit manika...
Lumuluha,
Nagdarasal,
Marunong mgamura,
Namomoot,
Namumuhi,
Nais lumaya?
Kaya...
Ayoko nang maging tao.
Ayoko nang maging manika.
Gusto ko nang lumaya...
sa mga luhang di nakikita.
Sa PAGSUMPA....
Friday, February 29, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment