naghalo ang kinaing pansit at isang tasa ng kape sa tiyan ni nene. namuo ang kanyang agam na panis na siguro yung kinain nya. dinala kasi ito ng kanyang nanay kagabi. pero nung kinaumagahan lang nya kinain. nais nyang magtungo sa palikuran ngunit naroroon pa ang kanyang maliit na kapatid. kung kaya, tiniis na lamang ni nene ang sakit. napabaluktot ang payat na payat nyang katawan sa sahig. nais nyang sumigaw ngunit ayaw niyang magising ang kanyang nanay. mahigpit na bilin kasi nito na wag daw muna siya iistorbohin. nagakasakit kasi ito sa sobrang pagod galing sa trabaho. wala naman silang pambili ng gamot kaya di na lang niya iniinda ang sakit ng katawan.
naaawa man si nene sa kalagayan ng ina, wala naman siyang magawa dahil sila'y mahirap. kinailangan pa nga niyang tumigil sa pag-aaral upang makapagbenta ng basahan sa mga kalye ng maynila. ang kanyang kapatid naman ay tumutulong sa pagitinda ng sampaguita ng kanyang nanay sa simbahan ng quiapo. ganito araw-araw ang tumatambad na kalagayan sa buhay ng mag-iina. simula kasi nang iniwan sila ng kanilang ama, naging miserable na ang kanilang kalagayan. sa murang isipan ni nene, namulat siya sa isang buhay na di tipikal. di tipikal sa kadahilanang, di dapat ganun ang kanyang nararanasan.
maraming pangarap si nene sa kanyang pamilya. minsan nga nang nag-usap sila ng kanyang nanay, nasabi na rin nya na nais nyang maging isang mahusay na manunulat, kundi naman, maging isang guro. nais niyang maranasan ang pakiramdam na makatulong. lalong lalo na sa mga katulad nila. gusto kasi niya, walang mga taong minanaliit. nasabi na rin niya na maswerte pa rin sila kasi, napalaki sila nang maayos. pero tuwing iniisip ang kanilang kalagayan, napapaiyak na lamang siya sa panlulumo. nanlulumo siya dahil ginawa siyang mahirap. kung may pagkakataon lamang siya na tuparin ang kanyang mga pangarap... pero sadya atang ginawa na lamang ang mga iyong pangarap. pangarap... at mananatiling mga pangarap na lamang.
magiliw na pinagmasdan ni nene ang kalagayan ng kanyang ina. nakahiga ito sa kanilang maliit na papag. nangayayat na rin siya t nagtamo ng maliliit na sugat sa araw-araw na pagtatrabaho. napaiyak sa kalungkutan ang batang si nene. pinilit niyang di mapaluha ngunit patuloy ang pag-agos ng maliliit na butil ng paghaplos sa kanyang pisngi. ang mga luha na lamang ang kanyang kasama sa pag-iisa. ang mga ito na lamang ang kanyang nagiging karamay sa tuwing nararamdaman ang lahat ng paghihirap.
napatingin si nene sa plastik ng pansit na pasalubong ng kanyang nanay kagabi. nangarap siya na kinakain niya ang masasarap na pagkain. mga pagkain na hinahanda sa piging ng mga hari. yun kasi ang mga nababasa niya sa libro. mariringal na pista at masayang pagtitipon. ninais niya na mahandugan ang kanyang ina at kapatid ng masasarap na pagkain.
nabasag ang pagninilay ni nene nang marinig na sumigaw ang kanyang ina. kinakailangan kasi nito na uminom ng gamot. tinungo ni nene ang istante kung saan nakalagay ang mga gamot. ngunit ang natagpuan lamang niya'y mga lalagyang walang laman. nagulat na lamang ang kanyang ina nang makitang umiiyak si nene. tinanong siya ngunit di sumagot ang bata. ang alam lamang niya'y masakit ang kanyang tyan at parang di na n'ya kaya pang tumayo. nang mapagmasdan ng ina, namumutla si nene at napahandusay sa sakit...nabasag na lamang ang katahimikan ng bata nang makita ng nanay niya ang kulay lupang bagay sa kanyang salawal... natae pala si nene.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment