Friday, February 29, 2008

Kublian

POEM
Nagkumot ang pagluhang ninikat.
Nagkubli sa larawan ng pagmulat.
Ibinubo sa lumbay ang panilat...
sinta't panulat.

Anaki'y humagap sa balintataw,
Upang humapis na kuta'y pumanaw.
Sa tangis ng pluma, damdami'y nag-umapaw.
Sa pagsupil bumubitaw.

Tula'y kinathang kandungan ng lungkot.
Kamatayang kibi't ng isipang baog.
Tula lamang ang kasama sa muog.
Sa pag-igkas nananaog.

Pinilit hindi isiwalat.
Pinilit kong magtago sa pagsukol ng kamalayan.
Bumulay akong maigi kahit sa kamangmangan.
Upang damdaming sikil sa pait ay mapasubalian.

Isinulat ko ang lihim sa hangin.
Hindi ko hiniling na iyong ibigin...
ang tulang may tanikala'ng hinaing.
at binulag sa salita't patalim.

Lihim ko'y sambitin nang marahan.
Bawat titik ay sumasaliw sa kasawian.
Ang tula'y mistulang 'sang kublian...
ng panaginip... ng iwinaksing kaligayahan.

No comments: