ito yung pinakauna kong nagawa na tula...
ober sa kakonihan...
mala-teenage dirtbag yung dating...
check it out...haha...
Kung Maaari Lang:
Kung maaari lang tumangis ang mga tala…
Kung maaari lang ang hangi’y bumalana.
Kung maaari lang ang buwa’y tumula…
Kung maaari lang, para sa’yo sinta,
Kung maaari lang sana…
Bakit hindi maaaring umibig ang apoy sa tubig?
Sadya nga bang masaklap ang umibig?
Kung maaari lang sanang sumigid…
Umahon sa mga luha ng pagkatigatig.
Kung maaari lang sana kitang mapangiti…
Ipinta ang ligaya sa’yong mga labi…
Bakit hindi ko iyon magawa?
hindi ko mawari.
Bakit hindi ka maarok…
bulaklak sa ulap ng pintakasi.
Anghel sa mga pakpak ng langit…
Ako’y marubdob na nag-aabang sa pagsaliw mo sa paghimig ng tubig.
Ang hiwaga ng iyong mukha’y gumuguhit sa mga mata kong sa kaligayaha’y naiidlip…
Binabatis ang karimlan sa pananaginip.
Kailan mo kaya matatanto ang nais isiwalat ng pusong tumatangis?
Kailan mo mauulinig ang hinihiyaw ng masidhing paglupig?
Paglupig ng kagalakan sa tanglaw ng sumpain…
Kung maaari lang sana…
Kung maaari lamang kitang ibigin…
Friday, February 29, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment