hopeless romantic:
Hangin:
Sumilip ka sa nakaraang binagtas ng luha…
Mababanaag mo ang dalamhati ng mapanglaw na umaga.Apoy…
pumupunit sa kapayapaang napipita.
Bumabalong ang nagpupuyos na pagkapithaya.
Aluin mo ang pagtangis ng langit sa ilang nunukad…
Idaop niring kamay sa mga luhang kumukulyat.
Tamis ng pagbitay sa nakaraang minsa’y niliyag…
Bumubulay sa hapis na idinulot ng liwanag…
Dinggin mo ang bulong ng hangin sinta.
Umiihip sa awit ng di matumbasang ligaya…
Sumasayaw sa dakilang pagdarang ng maalab na mga mata…
Itinatampok sa daigdig ang kariktang ng iyong paghalina.
Damhin mo giliw ang pagahaplos ng hangin sa iyong mga pisngi.
Nadarama mo ba ang init ng pagsuyo ng aking mga labi?
Sumasaliw sa pagpinitg ng puso sa landas ng mga ngiti.
Nagsasabing, “Nililiyag kita, iyo bang nawawari?”
Hangin akong sa kawala’y lumilipad.
Pagpintuho sa tulad mo ang sa kaluluwa ko’y namukadkad.
Nakikita mo ba ako? Iyo bang namamalas…
Ang pag-ibig ng hangin…
dinulot mo’y tamis sa mga sugat.
Friday, February 29, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment