sa mga kalye ng mahal
tula:
"with all thy faults, i love thee still...my country." ---horace---
tae sa daan.
nakaw na sasakyan.
bangkay sa pamilihan.
mga pokpok na kababaihan.
mainit na panahon.
lalamig sa paglaon.
impyerno kahapon.
nagyeyelo naman ngaun.
politikong bobo.
pangakong napapako.
masang pilipino...
mga uto-uto.
bentahan ng shabu.
mga pulis na gago.
mga buwaya kamo.
metal na kamao.
artistang hangal.
sa kamera'y banal.
pa-cute pa sa personal.
di makabasag-pinggan.
nabibiling edukasyon.
istupidong imbensyon.
mayayamang labas-puson.
mga tingi'y nakakalason.
boksingerong dakila.
tatakbong konggresista?
senador na artista?
magpapogi lang ba ang kaya?
patayan sa eleksyon.
duguang suson-suson.
binaril ang kahapon.
at sa umaga nakulong.
konting ambon, baha.
konting patak, mga luha.
konting apoy, dalita.
konting tiis, sinta.
sa umaga may ligaya.
sa umaga may pag-asa.
sa umaga manalig ka,
konting tiis,
konting tiis pa sinta.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment