biyernes. puno ng kababalaghan ang paligid. habang ang matamis na sisilaw na araw ay namukadkad sa pansing di batid ng lumbay. sisilayang mataimtim ang kanyang mukha ngunit tanto kong mainam ang kanyang kalungkutan. marahil pagod? oo nga. ang dami dami namin ginagawa sa eskwelahan. bakit ganun?
tanaw sa malayo ang kanyang ngiti. palapit nang palapit sa aking kinatatayuan. isa lamang siyang mukha sa napakaraming nagdaraan. ngunit 'di ko alam, bakit mabilis ko s'yang nababanaag nang walang hirap kahit sa kalayuan. ngingiti s'ya sa king gaya ng buwan sa gabi. mapanghalina. tahimik. walang alinlangan.
pipinid yaring dalang bagahe at loloob sa munting institusyong iyon. naroroon ang marahil na sa'ng kabang tao. nakatingin sa kawalan at abala sa kanya-kanyang mga gawain...
dadalhin ko ang gamit n'ya. maghahawak kami ng mga kamay. iindahing hindi ang mga matang mapangmasid sa paligid. papanhik sa alapaap ng dunong. di pansin ang bawat hakbang. bawat galaw, bawat sulyap sa isa't isa ay isang mumunting piraso ng kwento. masarap basahin. nakakaaliw. bawat salitang 'mumutawi sa 'ming mga labi'y gaya ng mumunting awitin. masarap pakinggan. nakakaaliw.
mabilis ang lahat ng mga pangyayari kung tutuusin. ni hindi sumagi sa 'king isip na magkakaganito. ganito ko s'yang mamahalin. ganito n'ya 'kong iibigin. malabo kung tatantiyahin. noon, di kami nagpapansinan. siguro nagkikita. ngunit di kami nakapag-uusap. marahil minsan sa'ming mga malayang sandali, nakapagpalitan na rin kami ng mga kuro-kuro. minsan.
mabilis.
mainit.
puno ng pagmamahal.
tama o mali wala akong pakialam.
minsan iniisip ko wala nang problema. na masaya na ang lahat. na natutunan na kaming tanggapin ng komunidad. pero napakahirap. unti-unti mong namamalayan, dumaraan ka na pala sa isang lubak sa kalye na puno ng sali-salimuot at nakasusugat na mga patalim. masakit isipin na ganun nga ang sitwasyon. pero mas mahirap 'yon tanggapin.
tatahimik na lang. paglipas ng panahon, pasasaan pa't yayao ang talim ng punyal?
itutuloy......................
Sunday, July 27, 2008
nakakatamad 'tong araw na 'toh
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment