Sunday, July 27, 2008

Sa bunsod ng balintataw

Sa bunsod ng balintataw:

(Isang tula para sa mahal kong dilag)

Panaginip na ngingiti sa paglipos ng adlaw.

Panahong lumipas ay lalawig pagtagal.

Sa ‘king mga alaala.

Parang isang tulang mahirap bigkasin.

Paaariing gaya ng sa sumpain.


Sa diin ng aba kong tigang na isipan.

Buburuing gunita sa bunsod ng balintataw.

Ang larawan ng iyong mukha.

Nakangiti sa balana.

Masayang aariin ng aba.

Pananaginip ko na masilayan ka.

Makita kang sa ligalig.

At kukulay na gaya ng marikit na sulat sa tubig.

Sa tangis ng nakaraang lilimuting pilit.

Panaghoy ng aking pusong umiibig.

Datapwa’t tanging ligaya’y sa ‘yong kanlunga’y maniig.

Pipintigi’t ilang ang pusong sa kawal ng ‘yong halina.

At gabi’y sa sukal niring maharana.

Kakamtin ang bawat haplos ng pag-ibig ng sinta.

Sa lipas na mga bitui’y hangad kita’y Makita.

paggising ko isang umaga

PAGGISING KO ISANG UMAGA:
(tula)
ngayo'y susulatin ko ang isang makata.
huhubugin kong mahusay sa salita't talin'haga.
sa paglikas ng dilim aaluin sa umaga.
gaya ng pagluha ng pusong nasaktan sa tuwina.
halik na sa buti'y kakamtin ng mahal.
halik na sa panaginip di naisipang daratal.
lalamunin ng poot sa piging na maringal
dahan dahang uukit ng sugat gaya ng 'sang punyal.
paglipas... ang sugat ay hihilom at bubuti.
panaho'y aalab sa paglaho ng pighati.
aanuring sa baog na pag-ibig ang bawa't sandali.
kukulay na lamang ng luha sa pagal at yari.
panaginip kong susulat ng isang makata...
na hinubog sa husay ng aking panalita.
di ko namamalayan sa paggising sa umaga.
ako pala'y luluha nang dahil sa pag-ibig sa tuwina.

nakakatamad 'tong araw na 'toh

biyernes. puno ng kababalaghan ang paligid. habang ang matamis na sisilaw na araw ay namukadkad sa pansing di batid ng lumbay. sisilayang mataimtim ang kanyang mukha ngunit tanto kong mainam ang kanyang kalungkutan. marahil pagod? oo nga. ang dami dami namin ginagawa sa eskwelahan. bakit ganun?

tanaw sa malayo ang kanyang ngiti. palapit nang palapit sa aking kinatatayuan. isa lamang siyang mukha sa napakaraming nagdaraan. ngunit 'di ko alam, bakit mabilis ko s'yang nababanaag nang walang hirap kahit sa kalayuan. ngingiti s'ya sa king gaya ng buwan sa gabi. mapanghalina. tahimik. walang alinlangan.

pipinid yaring dalang bagahe at loloob sa munting institusyong iyon. naroroon ang marahil na sa'ng kabang tao. nakatingin sa kawalan at abala sa kanya-kanyang mga gawain...

dadalhin ko ang gamit n'ya. maghahawak kami ng mga kamay. iindahing hindi ang mga matang mapangmasid sa paligid. papanhik sa alapaap ng dunong. di pansin ang bawat hakbang. bawat galaw, bawat sulyap sa isa't isa ay isang mumunting piraso ng kwento. masarap basahin. nakakaaliw. bawat salitang 'mumutawi sa 'ming mga labi'y gaya ng mumunting awitin. masarap pakinggan. nakakaaliw.

mabilis ang lahat ng mga pangyayari kung tutuusin. ni hindi sumagi sa 'king isip na magkakaganito. ganito ko s'yang mamahalin. ganito n'ya 'kong iibigin. malabo kung tatantiyahin. noon, di kami nagpapansinan. siguro nagkikita. ngunit di kami nakapag-uusap. marahil minsan sa'ming mga malayang sandali, nakapagpalitan na rin kami ng mga kuro-kuro. minsan.

mabilis.
mainit.
puno ng pagmamahal.

tama o mali wala akong pakialam.

minsan iniisip ko wala nang problema. na masaya na ang lahat. na natutunan na kaming tanggapin ng komunidad. pero napakahirap. unti-unti mong namamalayan, dumaraan ka na pala sa isang lubak sa kalye na puno ng sali-salimuot at nakasusugat na mga patalim. masakit isipin na ganun nga ang sitwasyon. pero mas mahirap 'yon tanggapin.

tatahimik na lang. paglipas ng panahon, pasasaan pa't yayao ang talim ng punyal?

itutuloy......................

a letter from a blind lover

a letter from a blind lover:

faces i saw on that photograph.

there were trees.

there was the sky... so vivid.

of the gloomiest light it shone amidst peace.

there was the sun...

painted with richness...

painted with the brush of love.

there was "you".

there was "him".

there were smiles on your faces.

side by side you stood with each other.

t'was a picture of love.

t'was a perfect photograph.

but,

why did you send me this piece of paper?

i could see nothing but... nothing!

was it all in my mind?

were all those pictures just pictures inside my head?

or was that our reality?

is this our reality? :(