Saturday, September 13, 2008

neurotic lang ako!

eh ganun talaga. may mga bagay na di na dapat iniisip pa. pero pa'no mo maiiwasang isipin ang isang bagay na ayaw magpalimot. unti-unting bumabalik sa'yo, sa lalim ng iyong pagkatao, naroon. nagpapapansin.

yeah! kahit anu pa man yan... letse!

keme! eto yung madalas kong marinig sa mga kaklase ko! anuh ba meaning nun?

1) wala lang. example: keme lang!

2) no comment; wala akong paki! example: anu naman? keme lang!

3) landi o paglandi. example: kumekeme ka na naman! ang keme mo talaga.

hay. anu man ibig sabihin nun... keme na lang tayo.

mozilla versus internet explorer? keme lang. wala akong paki. naiinis lang ako sa internet service provider namin, kasi pasulpot-sulpot, nawawalan kami ng connection. badtrip!

halata bang wala ako magawa? keme mo? nakikibasa ka na nga lang eh, ang reklamo mo pa! haha. joke lang! tapusin mo na yung pagbabasa.

naiinis lang ako sa sarili ko! lage naman eh. kapag may problema ako, ibinubunton ko sa sarili ko ang inis. eh syempre, malamang, ako lang naman gumagawa ng problema ko eh. hayup. emo-emohan oh!

ang mga original na emo ay yung mga melan... so kung sa ibang temperaments ka... pakyu... poser ka kung nag-eemo ka dyan.

positive trait ng mga melancholic ang pagiging emotional! pero ang hirap talaga pag sobrang emotional pala. daming pumapasok sa isip mo! haay.

d'yan naman umeeksena yung pagiging neurotic! oo inaamin ko... neurotic ako! eh ganun na ko eh. anu pa magagawa ko? ang sarap maging neurotic! anu masarap dun? wala! masarap lang mag-isip nang mag-isip. pakiramdam mo ang tali-talino mo (kahit hindi).

namputsa. gusto kong magmura! mahal na kasi mga bilihin ngayon eh!

black and white pa din tv namin. overused. wala naman kami pampagawa! wala rin naman kami pampabili ng bago. di naman kami mayaman. hampas-lupa lang!

nakakainis yung tonsilitis na 'to! badtrip. kung pwede lang dukutin tonsils ko, ginawa ko na! pahirap sa buhay. gusto kong sumigaw! sumigaw nang malakas hanggang marinig ako ng lahat ng kapitbahay namin! papansin lang.

yeah! yeah! yeah! (lithium - nirvana)

ganun ba talaga pag lagi mo naiisip, napapanaginipan mo? tingin ko din. kasi lage kang kasama sa panaginip ko! 'lam mo naman... mahal na mahal kita! lagi kitang naiisip! hay!

nanunuod ako ngayon ng boxing! di naman ako mahilig sa sports pero nag-eenjoy ako sa mga bakbakan! yung madugo! yung kawawaan! ayoko ng basketball, volleyball, o kahit anung team sports! gusto ko yung ginagamitan ng strategy at lakas ng isang indibidwal.

"first rule of the fight club... you do not talk about fight club!"

"second rule of fight club... you do not talk about fight club!"

yeah!

fist fight galore! suntukan na lang oh! wahh!

may problema ba tayo? wala naman! ayoko lang nung nararamdaman ko!

pasensya ka na! neurotic lang talaga ako!

No comments: