Nang Magkumot Ang Dalita
(tula)
walang hanging siil ang hahadlang sa...
paglisan kakabit ng aking dalita.
ngayong gabi aanihing muhi sa nagkumot na umaga.
nariyan ka, walang nangyari,
nasaan ka? hinahanap pa rin kita.
panaginip nga ba na tayo'y nagtagpo?
walang kaganapan na nagsasabing "oo".
nangangahulugang tayo'y tayo... walang mababago...
nangangahulugang ika'y naging akin minsan sa 'king diwa.
minsan sa taning ng aking alaala.
ngunit paglao'y lalawig pag-ibig di kaya?
o mananatiling baog at tigang sa panulukan ng mga salita?
sa paglisan ng tala'y aawit nang malumbay.
mananatiling sa hinagpis at dinulot ng iyong pagluha.
mananatili sa puso ang dating ligaya... ang dating ligaya.
san humantong ang lalim ng unawa?
kailan masasabing ang kasaguta'y tama?
mga tanong na iiwa't tatatak sa gunita...
nariyan ka, bakit walang nangyari?
nasaan ka? hinahanap pa rin kita.
kung sasapit ang lawig ng halik sa gabi...
aalalahanin ko ang init ng suyo ng iyong labi...
sapagkat walang kisapmatang sa isipa'y di sumagi...
ang alaala mo sa malayang mga sandali.
No comments:
Post a Comment